Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 rider nasukol sa drag racing

0 84

Pinaalalahanan ng Philippine National Police (PNP) ang publiko, lalo na ang mga motorista, na sumunod sa batas-trapiko lalo na kapag dumadaan sa major roads para matiyak ang kaligtasan hindi lamang ng driver kundi pati ng mga kasamang nakasakay.

Tinukoy ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar ang insidente sa Zamboanga City noong Setyembre 4 kung saan tatlong motorcycle rider ang nagsagawa ng drag race habang nasa main road.

Nakilala na ang mga ito at saka naparusahan.

Kinilala ang mga rider na sina Anton Jan Loon, Harson Dale Natividad, at Juniesher Bonifacio, na pawang binawian ng lisensiya dahil sa paglabag sa Republic Act 4136 o Land Transportation and Traffic Code.

Nahaharap din sila sa tatlong buwang suspensyon at bawal na rin muna silang gumamit ng anumang uri ng sasakyan.

“Nang dahil sa tulong na ipinaabot ng ating mga kababayan sa pamamagitan ng pagsumbong sa kanilang PNP, natukoy na at naparusahan ang tatlong kamote riders sa Zamboanga City na naglagay sa alanganin ng buhay at kaligtasan ng ating mga kababayan sa kanilang lugar,” banggit ng hepe.

“Magsilbing aral sana ito sa ating mga motorista na ginawa ang ating mga lansangan para sa mabilis at maginhawang transportasyon ng ating mga kababayan at hindi lugar para sa anumang klase ng palabas at kayabangan,” dagdag niya. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.