Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 sa BIFF sumuko

0 47

SUMUKO ang tatlong miyembro ng rebeldeng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa mga sundalo nitong Biyernes, ayon sa Philippine military.

Sinabi ni Lt Gen Corleto Vinluan, Jr., Commander ng Western Mindanao Command, na sumuko ang tatlo alas-3:30 ng hapon sa 57th Infantry Battalion (57IB).

Itinurn-over nila ang M1 Garand rifle na may isang clip at 7 round ng ammunition, Carbine rifle na may magazine at 14 rounds ng ammunition, at isang 1911 caliber 45 pistol na may isang magazine at 7 rounds ng ammunition.

Ang mga rebel returnees ay iprinisinta kay Col Eduardo Gubat, commander ng 603rd Infantry Brigade. Nanawagan naman si Vinluan, Jr. sa natitirang BIFF members na sumuko na. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.