Abante Tonite Interactive

3 sa JoyRide napagkamalang habal-habal, inaresto

229

Nagsampa ng reklamo­ ang pamunuan­ ng Filipino-owned motorcyle taxi hailing JoyRide laban sa Traffic Management Office (TMO) sa Taguig matapos hulihin ang tatlo nilang JoyRide rider nang mapagkamalan umanong habal-habal rider na nagsasakay sa Bonifacio Global City.

Ayon sa kay Atty. Patrick Leccio, JoyRide’s lawyer, hindi makatarungan ang panghuhuli ng TMO sa tatlong JoyRide rider dahil inalisan sila ng pagkakataon na makapaghanapbuhay.

“We deplore the baseless, abusive and arbitrary apprehensions of our Joyride (Kasundo Bikers) who were apprehended early Tuesday morning by the Traffic Management Office depriving them of their source of livelihood,” ayon kay Leccio.

Nabatid na ang Taguig ay mahigpit na nagpapatupad ng kanilang ordinance No. 46 series of 2006 na pagba-ban sa mga habal-habal na nagsasakay ng mga pasahero kung saan ay hindi tiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.

Ito ay matapos na ­arestuhin ng TMO noong Enero 14 ang tatlong rider sa paglabag umano sa ordinansa at agarang kinuha ang kanilang lisensya at inimpound pa umano ang motorsiklo. (Vick Aquino)