Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 sa pamemeke ng dokyu arestado

0 327

Arestado ng mga ahente ng National Bureau of Investigation ang tatlo-katao na namemeke ng mga pekeng dokumento ng gobyerno sa isinagawang operasyon, Lunes sa CM Recto, Avenue sa Maynila.

Kinilala ni NBI Officer-in-Charge (OIC) Director Eric B. Distor ang suspek na si Jay Tinio, Jojo Delim at Abbygail Pascua.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nag-ugat ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon kaugnay sa pagbebenta ng pekeng NBI clearance at iba pang mga government documents gaya ng LTO ID/Student Permits, PSA Birth Certificate at TIN ID malapit sa Interface Computer College Recto Campus.

Naniningil ang mga namemeke ng P2,500 para sa rush transactions at P500 para sa non-rush transactions.

Isinagawa ng NBI ang entrapment operation noong Pebrero 1 kung saan isang poseur buyer ang inalok ni Tinio para magpagawa ng mga dokumento. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.