Abante Tonite Interactive

3 sa Pinas pasok sa Asia’s 50 best bar

320

Sa pinakabagong edisyon ng taunang listahan sa Asia’s 50 Best Bars, tatlong bar sa Manila ang napabilang dito.

Ang The Curator, The Back Room, at Oto ang nakapasok sa mga pinakamahusay na bar sa Asian edition ng 50 Best Bar sa buong mundo.

Para sa ikaapat na magkakasunod- sunod na matagumpay na taon, idineklara na ang The Curator sa Makati na Best Bar sa Pilipinas na nakakuha ng pang-37 puwesto sa buong Asya.

Ang Oto bar ay isang first timer sa listahan na idineklara bilang ika-47 pinakamahusay na bar sa Asya. Pinagsasama nito ang mga alak at mga inumin na iniaalok upang masiyahan ang mga nauuhaw na mga kostumer­ na may musika at pagkain.

Maaari namang bisitahin ang The Back Room bar sa Shangri-La Fort, 30th Street, 5th Ave, Maynila. Nakuha nito ang pang-50 na puwesto bilang pinakamahusay na bar sa Asya. Kasama ng OTO, ang The Back Room bar ay isa ring first timer sa listahan. Nagse-serve ang mga ito ng iba’t-ibang uri ng alak at inumin na nakakaakit sa panlasa ng mga eksperto. (Mina Aquino)