Abante Tonite Interactive

3 sanggol sa Cebu todas sa COVID-19

0 291

Tatlong sanggol at dalawang iba pa na dinapuan ng coronavirus disease ang panibagong naitalang nasawi sa Cebu City.

Sa huling tala na nakalap sa Department of Health in Central Visayas (DOH-7), tatlong sanggol na positibo sa nasabing virus ang pawang nasawi.

Isa sa mga ito ay kakaluwal pa lang na maituturing na pinakabatang biktima sa Cebu.

Bukod sa bagong silang na baby ay patay din ang isang 5-month old baby mula Lapu-Lapu City, at isang 1-year-old. Dalawa pa sa nasawi sa nasabing lunsod ay na edad 62 at 94.

Tonite – Wendys Inhouse Ad