Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 senior, ginang timbog sa `bato’

0 102

Binitbit ng mga awtoridad ang tatlong senior citizen at isang ginang matapos na kumagat sa buy-operation sa Brgy. Baesa, Quezon City noong Linggo ng hapon.

Ayon kay Quezon City Police District director Brig. Gen. Antonio Yarra, nakilala ang mga suspek na sina Armando Enriquez, 60, ng Baesa Road, Brgy. Baesa sa nasabing lungsod; Larry Maesa, 63, ng San Jose Del Monte City, Bulacan; Valiant Rallos, 62, ng Project 4, QC; at Agnes Omorog, 46, ng Caloocan City.

Batay sa ulat ng mga tauhan ng Batasan Police Station (PS 6) at District Drug Enforcement Unit (DDEU), bago ang pag-aresto ay nakatanggap sila ng tip hinggil sa iligal na aktibidad ng mga suspek sa droga.

Related Posts

Ikinasa ang buy-bust sa pangunguna nina Lt. Apolinario Aguinaldo at Lt. Elmerson Maceda dakong alas-5:45 ng hapon sa Brgy. Baesa kung saan nasakote ang mga suspek matapos na makabili ang isang pulis na umaktong buyer ng P500 halaga ng shabu.

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 52.59 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P357,612, isang digital weighing scale at nabawi rin ang buy-bust money.

Nakakulong na ang mga suspek at sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.