Abante Tonite Interactive

3 sibilyan ginawang pananggalang ng NPA sa Misamis Occidental

By
720

Kinondena ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang paggamit ng mga inosenteng sibil­yan ng mga teroristang New People’s Army (NPA) na dumukot ng tatlong katao at gina­wang “human shield” sa kanilang pagtakas kamakalawa sa Misamis Occidental.

Ayon kay Major Gene­ral Roseller Murillo, commander ng Joint Task Force Zampelan, gawain ng isang terorista ang pagdukot sa mga inosenteng sibilyan at gawin silang human shield sa pagtakas ng mga rebelde.

Ang insidente ay naganap kamakalawa ng hapon matapos magkaroon ng engkwentro ang tropa ng pamahalaan laban sa tinata­yang 10 NPA sa Barangay Sinampo­ngan.

Napilitan lamang umatras ang mga rebelde dahil sa lakas ng puwersa ng sundalo subalit sa kanilang pag-atras ay napadaan sa bayan ng Barangay Roxas sa bayan ng Aloran at isinama ng mga ito ang mag-asa­wang Rene at Aireen Ando, gayundin ang kanilang anak at ginawang pa­nanggalang sa pagtakas.

Nabawi naman ang mag-anak at iniwan ito ng mga rebelde sa paanan ng bundok nang masiguro nilang ­makakatakas na sila.