Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 sinelda sa pagpuslit ng P3K shampoo

0 275

Swak sa kulungan ang apat na babae, kabilang ang 69-anyos na lola nang magpuslit ng higit P3,000 shampoo at conditioner sa loob ng isang supermarket sa Dasmarinas City, Cavite.

Kasong theft thru shoplifting ang kinakaharap ng mga naarestong suspek na sina Ana Saga, 43; Ennie Rose Telebrico, 29; at Gertrudez Tolentino, 68, dahil sa reklamo ng pamunuan ng supermarket na matatagpuan sa Congressional Road, Brgy. Burol 1.

Sa ulat ng pulisya, alas-otso kamakalawa ng gabi nang pumasok ang mga suspek sa nasabing supermarket ang nagkunwaring mga customer. Sa kanilang modus operandi, naghiwa-hiwalay ang mga ito habang umiikot ang kanilang mata sa loob ng pamilihan at pasimpleng kumukuha ng mga shampoo at conditioner at inilalagay sa isang shoulder bag na hawak ni Lola Gertrudes hanggang paisa-isang lumabas.

Pero lingid sa kaalaman ng apat ay kanina pa sila minamatyagan ng security guard at bago sila lumabas ay inimbitahan sila sa security office saka inaresto. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.