Abante Tonite Interactive

3 sinibak na empleyado ng DOJ, kinasuhan sa anomalya sa visa application

By
2,070

Pormal nang kinasuhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Departmen of Justice ang tatlong sinibak na empleyado ng DOJ na sangkot sa anomalya ng visa application para sa mga Chinese kapalit ng malaking halaga.

Ayon kay DOJ Undersecretary Erickson Balmes, nahaharap sa reklamong falsification sina Cyruz Morota, isang job order employee; Abvic Maghirang, executive assistant at Shigred Erigbuagas, administrative aide.

Ang tatlo ay nagtatrabahong lahat sa opisina ni Balmes.

Abante Hiring – IT dep

Nadiskubre umano na ang tatlong empleyado ay namemeke ng pirma ng mga opisyal sa mga bogus na dokumento na ginagamit para sa pag-iisyu ng visa sa mga Chinese.

“I have been told that the NBI has filed a case in DOJ for the terminated employees for falsification under Article 171 of Revised Penal code,” saad ni Balmes.

Noon pa umanong Setyembre ng nakaraang taon nang simulan ng mga suspek ang modus operandi na kanila mismong inamin nang sila ay komprontahin nina Balmes, DOJ Undersecretary Raymund Mecate at mga operatiba ng NBI.

Para makakuha ng pera, isang liham na may pekeng pirma ni Balmes at may pekeng stamp ng Officer of the Commissioner ng Bureau of Customs (BOC) ang ipinapakita ng tatlong empleyado sa mga Chinese bilang katibayan na naihain na ang quota visa application ng mga aplikanteng dayuhan. (Maricel Diaz)