Abante Tonite Interactive

3 sinipa ng Aces para kay Ayaay

By
232

Pinakawalan ng Alaska sina Marlon Magat, Ronald Pascual at Karl Dehesa para magkaroon ng puwesto sina Jesper Ayaay at Gideon Babilonia.

No. 9 pick ng Aces si Ayaay noong nakaraang Draft, tinapik sa second round si se­cond-generation player Babilonia.
Pero nilinaw ni team manager at PBA board representative Dickie Bachmann na si Ayaay pa lang ang sigurado na mapapasama sa active list.

Ang anak ni dating San Miguel center Gido Babilonia na si Gideon, ina-assess pa.
Isa si Ayaay sa mahahalagang piyesa ng Lyceum Pirates na nakarating hanggang Finals ng NCAA nitong huling dalawang taon.

Si dating Gilas player Carl Bryan Cruz ay pu­mirma na rin kamakailan ng bagong two-year extension.
Hindi lang ibinahagi ni Bachmann ang de­talye ng bagong kontrata ni Cruz. ()