Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 sugo ng NPA naharang

0 140

Nasabat ng mga tropa ng pamahalaan ang ilang live ammunition, mga granada at food supply na pag-aari umano ng mga komunistang New People’s Army (NPA) sa Butuan City.

Sinabi ni Police Regional Office 13 (Caraga) director Brig. Gen. Romeo Caramat Jr. kahapon na naaresto nila nitong Biyernes ang mga nagdadala umano ng mga kontrabando sa Purok 1B, Brgy. Pianing sa nasabing lungsod.

Kinilala ang mga courier na sina Ferdinand Dagium, 27, at ang kapatid nitong si Rolando, 34; at isang Marvin Pepito Merencillo, 26.

Nabatid na si Ferdinand ay isang konsehal umano sa Brgy. Magsaysay sa Sibagat, Agusan del Sur habang nakatira naman si Merencillo sa Purok 1, Brgy. Mount Ararat, Bayugan City.

Kabilang umano ang mga ito sa Regional Sentro de Grabidad ng North Eastern Mindanao Regional Committee ng NPA.

Nakuha sa kanila ang 4,800 piraso ng AK-47 live ammunition, 2 rifle grenade, 3 motorsiklo at ilang food supply. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.