Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 sundalo nadale ng land mine

0 150

Sugatan ang tatlong sundalo nang sumabog ang isang anti-personnel mine sa bahagi ng Ampatuan, Maguindanao kahapon ng umaga, ayon sa report ng Armed Forces Western Mindanao Command (WestMinCom).

Sa imbestigasyon, sinasabing ang mga tropa ng pamahalaan mula sa 57th Infantry Battalion ay nagsasagawa ng combat clearing operations sa Brgy. Salman nang mangyari ang pagsabog.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Inflicting harm to our troops is the desperate device of the weakened terrorist groups to attract attention and harbor support,” sinabi ni WestMinCom chief Lt. Gen. Corleto Vinluan.

“Rest assured that we will heighten our security operations and stay on guard against the emerging threats in our area of operation,” dagdag nito.

Agad na rumesponde ang medical personnel sa lugar at binigyan ng paunang lunas ang mga sundalo. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.