Abante Tonite Interactive

3 suspek sa binalatan na 16-anyos natukoy

428

Kilala na umano ng pulisya ang pumatay at nagbalat sa mukha ng 16-­anyos na babae sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Ayon sa ulat mula sa Lapu-Lapu City Police, tukoy na ang mga pumatay kay Christine Lee Silawan batay sa testimonya ng mga saksi, ngunit hindi muna papangalanan dahil nagpapatuloy pa umano ang paghahanap sa mga ito.

Bago ang pahayag, naglabas ng P100,000 pabuya ang mga awtoridad sa sinumang makakapagbigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng mga suspek.

Ayon kay Chief Supt. Debold Sinas, regional director ng Central Visayas, nag-ambagan umano ang ilang good samaritan upang madakip ang mga pumatay kay Silawan.

Dagdag pa ng mga awtoridad, wala pa umanong nakitang senyales sa pri­badong bahagi ng biktima kung ito ay ginahasa, kaya naman hinihintay pa ang ­buong ulat ng pagsusuri sa biktima.

Kinondena naman ng Department of Education (DepEd) ang karumal-­dumal na pagpatay sa Grade 9 student ng Maribago High School. Nanawagan ang ahensiya sa mga magulang na paigtingin ang pagbibigay ng atensyon sa mga bata upang makaiwas sa anumang pang-­aabuso at karahasan.