Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 suspek sa pagpatay, nakalawit

0 120

Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District -Special Mayor’s Reaction Team (MPD-SMart) at Police Station 13 ang tatlo sa apat na suspek kabilang ang mastermind sa pagbaril at pagpaslang sa isang glass installer noong Miyerkoles sa may Dubai 1, Baseco Compound, Port Area, Maynila.

Kinilala ni P/Lt. Col. Rosalino Ibay Jr., ang unang na si Adlai Futo y Reyes, 34, taga-13D Purple St., na kasama ng gun man na si Saiden Sumagka Jr., na pinaghahanap pa ngayon.

Nitong Agosto 21 naman ng hatinggabi naaresto si John Mark Ongria, 22, construction worker, at taga-Block 15 Unit-42 Baseco Compound Bgy. 649 Port Area, mastermind sa pagbaril sa biktimang si Efren Castillo, 51, glass installer, ng Binondo, Maynila.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Huling naaresto ang isa pang suspek na si Musa Madrasa y Akmad, 31, driver, at taga-Gasangan Baseco na nagsilbing look-out.

Binaril ni Sumagka Jr. si Castillo noong Agosto 18 sa kahabaan ng Gasangan 1, Baseco compound, alas- 2:10 ng hapon.

Inamin ng mga suspek ang krimen matapos inguso ng mga testigo kung saan pinaghihinalaan ang biktima na nagnakaw ng mamahaling bisekleta. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.