Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 suspek sa rape-slay ng flight attendant timbog

0 201

Nasa kustodiya na ng pulisya ang tatlong suspek sa umano’y pagpatay at panghahalay sa 23-anyos na flight attendant sa isang hotel sa Makati City.

Sa report ni Philippine National Police Chief Police General Debold Sinas kay Interior Secretary Eduardo Año, naresolba na ang rape-slay kay Christine Angelica Dacera sa pagkakadakip at pagsasampa ng kaso laban sa tatlong suspek.

Ani Sinas, kinasuhan sina John Pascual Dela Serna III, 27; Rommel Daluro Galido, 29; at John Paul Reyes Halili, 25, ng rape with homicide sa isinagawang inquest proceedings sa Makati City Prosecutor’s Office nitong Lunes.

Tinutugis naman ang siyam pang kasama ng biktima nang salubungin ang Bagong Taon sa City Garden Hotel na sina Gregorio Angelo de Guzman; Louie de Lima; Clark Jezreel Rapinan; Rey Englis; Mark Anthony Rosales; Jammyr Cunanan; Valentine Rosales; isang Ed Madrid; at isang Paul.

Sa inisyal na imbestigasyon, dumalo ang biktima at mga suspek sa New Year’s Eve Party sa hotel pero tanghali noong Enero 1, 2021, natagpuang walang malay sa bathtub ng kanyang hotel room ang biktima.

Naging basehan ng kasong rape with homicide, ani Makati City Police Chief Col. Harold Depositar ay dahil nakitaan ng lacerations at semilya ang ari ng biktima.

Maliban doon, may mga pasa at gasgas din sa mga braso at binti si Dacera. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.