Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 suspek sa shabu shipment bantay-sarado mga bank account

0 93

Tatlong suspek sa iligal na droga ang inisyuhan ng freeze order ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Anti-Money Laundering Council (AMLC) at Bureau of Customs (BOC) para hindi magalaw ang kanilang mga bank account, insurance policy, real property at mga pag-aaring sasakyan.

Inisyu ang freeze order nitong Lunes matapos umanong ilabas ng 5th Division ng Court of Appeals noong Mayo 27, 2021.

Ayon kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, ang 5th Division ay nag-isyu ng resolusyon na nagpapahintulot sa inihaing petisyon para i-freezeang mga yaman ni Julie Hao Gamboa alyas `Kimberly’ at mag-asawang Ruben at Teresita Taguba.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Saklaw ng freeze order ang 173 bank at credit account, insurance policy, 17 property at limang motor vehicle ng mga suspek.

Ipinaskil ang notice of freeze order sa bahay ng dalawa sa mga suspek sa Quezon City nitong Lunes, na tinatayang nagkakahalaga ng P70 milyon.

Sinabi ni Customs Deputy Commissioner for Intelligence Group Raniel Ramiro na may kinalaman ito sa mga nasamsam na P1.8 bilyong shabu shipment noong Marso 22, 2019.(Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.