Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 swak sa P102K shabu

0 88

Huli ang tatlo katao na sinasabing kabilang sa listahan ng drug watch list matapos malambat sa ikinasang buy-bust operation at makuhanan umano ng aabot sa P102,000 halaga ng shabu, kamakalawa ng hapon sa Barangay Pasong Tamo, Quezon City.

Nakilala ang mga suspek na sina Jade Valano, 30-anyos, construction worker, residente ng Barangay Culiat; Raymond Tilimban, 29-anyos, at Richard Tionco, 32-anyos, ng Barangay Pasong Tamo, QC.

Sa report ng Holy Spirit Police Station 14, inaresto ang mga suspek bandang alas-3:40 Huwebes ng hapon sa Lower Sampalucan, Barangay Pasong Tamo, matapos makipagtransaksiyon ang isang pulis na tauhan ng SDEU.

Nakumpiska umano mula sa mga suspek ang 11 piraso ng plastic sachet na naglalaman ng 15 gramo ng shabu, P100 buy-bust money, at dalawang P1,000 boodle money.

Ayon sa report ng Eastern Police District, kabilang sa drug watch list ng Barangay Culiat sina Valano at Tilimban habang si Tionco ay nasa watchlist ng Barangay Pasong Tamo.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa QC detention cell at kinasuhan ng kasong paglabag sa RA 9165. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.