Abante Tonite Interactive

3 teenager huli sa aktong nagtutulak

203

Arestado ang tatlong teenager na kilalang tulak ng iligal na droga sa ikinasang buy-bust operation ng Malabon Police kahapon nang madaling-araw.

Nabatid kay Malabon Police Chief P/Col. Jessie Tamayao batay na rin sa imbestigasyon ni PSSgt. Jerry Basungit, alas-12:10 kahapon nang madaling-araw nang ikasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Team (SDET) sa pangunguna ni PLT Zoilo Arquillo, kasama ang Camanava PDEA ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa Dr. Lascano St., Brgy. Tugatog, Malabon City.

Matapos iabot ng mga suspek, na pawang mga kabataan, ang isang sachet ng shabu sa pulis na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng P300 marked money ay agad lumusob ang back-up na mga operatiba saka sinunggaban ang mga ito.
Narekober sa mga suspek ang siyam na plastic sachets na naglalaman ng hindi pa matukoy na dami at halaga ng hinihinalang shabu at buy-bust money. (Vick Aquino)