Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 terorista patay sa engkwentro

0 81

Tatlong miyembro ng teroristang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang nalagas matapos lusubin ang kampo ng militar at nauwi sa bakbakan Sabado sa lalawigan ng Maguindanao.

Nabatid kay Major Maximino Gerodias Jr., hepe ng Mamasapano Police Station, naganap ang sagupaan sa Barangay Tukanalipao Mamasapano Maguindanao kung saan tumagal ng 6-oras ang palitan ng putok hanggang sa magpakawala ng 81 mm mortar ang mga sundalo na ikinasawi ng tatlong terorista.

Aniya, sinalakay ng BIFF ang Patrol Base ng 33rd Infantry Battalion Philippine Army sa nasabing lugar at pinaputukan ng bitbit nilang armas na nauwi sa bakbakan.

Sa takot naman ng mga residente na madale sa gulo ay nagsilikas ang mga ito.

Wala naman naiulat na sugatan o nasawi sa tropa ng pamahalaan.

Patuloy ang combat clearing operation ng militar laban sa teroristang grupo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.