Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 tiklo sa sangla-holdap modus

0 78

Arestado ang tatlo katao kabilang ang isang babae habang tatlo pa nilang kasabwat kabilang ang isang Barangay Kagawad ang pinaghahanap ng Manila Police District (MPD) matapos tangayin ang higit sa P600,000 halaga ng pera at alahas sa isang negosyante sa kanilang “sangla-holdap modus” kamakalawa sa Malate, Maynila.

Kabilang sa mga naaresto sina Richard Cuason, 37, buy and sale agent, ng Pandacan, Maynila; Jerwin Gavieres, 23, mekaniko, ng San Francisco Del Monte, Quezon City; at Winnie Cyrene Soriano, 25, nakatira naman sa Veteran’s Village, Project 7, Quezon City.

Pinaghahanap naman si barangay kagawad Felizardo Salonga, 39, ng Brgy. 407 Zone 42, Anton Street, Sampaloc, Maynila at dalawang lalaki na hindi pa batid ang pagkakakilanlan.

Ayon sa MPD-PS5 unang kinontak ng isang Sherwin Gorospe ang biktimang si Byron Patricio, 43, negosyante, at inalok na isanla ang isang orange na Toyota Vios-E sedan.

SM food to go Banner Ad

Nagkita sila sa may Roxas Boulevard alas-10 ng gabi at nagkasundo sa P180,000 halaga ng sanla.

Habang nasa loob ng sasakyan at iniinspeksyon ang mga dokumento, dalawang lalaki ang pumasok, tinutukan siya ng baril, nagpakilalang pulis at sinabing may problema umano ang kotse.

Kinuha ng mga suspek ang kanyang P186,000 pera, tatlong cellular phone na P52,000 at mga alahas na nagkakahalagang P446,000 bilang ebidensya umano at sinabihan na magtutungo sila sa Kampo Crame.

Pagsapit sa Finance Road sa Ermita, pinababa siya sa kotse ng mga suspek at iniwan siya tangay ang kanyang mga pera at gamit. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.