Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 timbog, P340K shabu sinamsam sa Marikina

0 146

Arestado ang tatlo katao habang P340,000 halaga ng shabu ang nasamsam ng pulisya sa buy-bust operation sa Barangay Nangka, Marikina City.

Kalaboso sina Ryan Dichoso, 38, Peter Mina, 36, at Jenny Dichoso. Sa ulat ng pulisya, alas-otso Huwebes ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation laban sa mga suspek sa Lot 5, Phase 1, Balubad Settlement Site ng nabatid na barangay.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Umiskor ang poseur buyer sa mga suspek ng P1,000 shabu gamit ang marked money at nang magkapalitan na ng iligal na droga at pera ay saka inihudyat ang pag-aresto sa mga ito.

Nakuha sa mga suspek ang abot sa 50 gramo ng shabu bukod pa ang dalawang motorsiklong sinakyan ng mga ito sa kanilang pakikipagtransaksyon. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.