Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 timbog sa baril, droga

0 446

Tiklo ang tatlong katao sa ikinasang buy-bust operation at nakuhanan pa ng baril sa Malabon, Sabado ng gabi.

Kinilala ang mga nadakip na sina Ricardo Cabida, 47, electrician; Rolando Zacarias, 51; at Luzviminda Del Rosario, 48, mga residente ng Barangay Taniong ng nasabing lungsod.

Ayon kay P/ Capt. Venchito Cerillo, head ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Malabon Police, dakong alas-10:30 ng gabi, nang magkasa sila ng operasyon sa kahabaan ng C-4 Road, Brgy. Taniong, Malabon City.

Dalawang pulis ang umiskor ng shabu sa mga suspek. Matapos ang transakiyon, doon na inaresto ang mga tulak. Nakuha sa kanila ang 4.2 gramo ng shabu na may market value na P28,560.00 at isang cal. 38 na may limang bala.

Isinailalim sa inquest proceeding ang mga suspek para sa mga kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act at Illegal Possession of Fire Arm and Ammunition. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.