Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 timbog sa P24M shabu

0 77

Arestado ang tatlo katao habang abot sa mahigit P24 na milyon halaga ng shabu ang nakumpiska sa mga ito matapos ang isinagawang buy-bust operation ng sa Bacolod City, Martes ng umaga.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Carline Lunares, 23, live-in partner nitong si Nestor Brinosa, 23, residente ng Purok Datiles Brgy. Handumanan, at nakatatandang kapatid ni Carline na si Richard Lunares alyas Pirot, 30, residente naman ng Purok Marapara, Brgy. Bata.

SM food to go Banner Ad

Sinagawa ang operasyon sa bahay ng maglive-in partner na suspek sa Purok Datiles. Ayon kay P/Lt. Thurslie Castillo ng RDEU 6, ang suspek na si Carline Lunares ay nakalista bilang isang High Value Target (HVT) na konektado sa isang malaking sindikato sa Bacolod City.

Ito rin umano ang humahawak ng malaking bulto ng iligal na droga at sa kanya kumukuha ng supply ng shabu ang tulak sa lungsod.

Sumailalim sa surveillance operation ang mga suspek bago isagawa ang buy-bust operation. Nakuha sa kanila ang 1 transparent heat sealed plastic sachet na naglalaman ng shabu item; 48 pang plastic sachet ng shabu, P11,000 buy-bust money. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.