Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 tindero ng pekeng driver’s license, arestado

0 277

Tatlong lalaki ang inaresto sa hiwalay na entrapment operation dahil sa pagbebenta ng pekeng driver’s licenses sa Baguio City.

Kinilala ng Criminal Investigation and Detection Group-Cordillera ang mga suspek na sina Richard Allen Badua del Rio, 26; John Lawrence Fernandez Cercado, 22; at Vilmor Garcia Wakit, 25.

Nadakip sina Del Rio at Cercado sa Barangay San Vicente noong Miyerkoles habang si Wakit ay natiklo sa isa pang entrapment operation malapit sa kanyang bahay.

Nag-ugat ang operasyon matapos makatanggap ng reklamo sa ilang driver tungkol sa inisyu sa kanilang pekeng lisensiya ng mga suspek.

Leave A Reply

Your email address will not be published.