Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 tinumba sa Laguna

0 447

Tatlong lalaki ang patay sa magkakahiwalay na insidente ng pamamaril sa Laguna nitong Martes.

Unang nasawi si Angelo Manambit na pinagbabaril habang sakay ng tricycle pauwi ng bahay sa Barangay Maytalang 1 sa Bayan ng Lumban alas-11:30 ng umaga.

Dead on the spot ito matapos magtamo ng mga bala sa katawan mula sa tumakas na suspek.

Samantala dead on the spot din ang isang umano’y drug pusher, alas 6:30 ng gabi.

Nakatayo ang biktima sa gilid ng isang restaurant sa Barangay Poblacion, Binan City nang ratratin

SM food to go Banner Ad

ng hindi nakilalang suspek na agad ding tumakas.

Sa Calamba City, hindi na ni Arnulfo Tantay ang kanyang midnight snack nang bistayin din ng di nakilalang salarin sa loob mismo ng kanyang kuwarto, alas 11:30 ng gabi.

Pwersahan itong pinasok sa bahay nito sa Barangay Parian at tinodas.

Inaalam pa ng pulisya ang mga motibo sa tatlong krimen at kung sino ang mga suspek. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.