Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 todas, 4 kritikal sa pinulutang butete

0 96

Tatlo ang patay habang apat na iba pa ang inoobserbahan sa ospital matapos kumain ng inihaw na butete (pufferfish) na ginawang pulutan sa inuman Lunes ng gabi sa Tabango, Leyte.

Kinilala ang nasawing biktima na sina Restituto Sumalinog, 63, Lucricia Anislagon, 49; at Ramil Catam-isan, 40; habang patuloy nakaratay na sa Leyte Provincial Hospital sa bayan ng Palo ang apat na iba pa na sina Jolito Dalut, 25; Rodulfo Hiki, 26; Lucina Hiki, 24; at Bienvenida Sumalinog, 53, pawang taga-Barangay Tabing.

Ayon sa pulisya, Lunes ng gabi nang bigyan ng isdang butete ni Corazon Yaon, 60, si Restituto na pinaihaw nito at kanilang pinulutan

Wala pang isang oras, nagsimula nang mahilo at magsuka ang mga biktima at idineklarang dead on arrival sa Tabango Community Hospital ang tatlo. Inilipat naman sa Leyte Provincial Hospital at nakaratay ngayon ang apat.

Lumalabas na ang tatlong nasawi ay kumain ng atay ng butete na siya nilang ikinalason. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.