Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 todas kay ‘Jolina’, 28 pa nawawala – NDRRMC

0 47

Tatlo ang patay sa pananalasa ng bagyong ‘Jolina’ habang nasa 28 iba pa ang kabuuang bilang ng mga nawawala, ayon sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ayon sa NDRRMC, ang dalawang namatay ay mula sa Naro, Masbate. Apat naman ang sugatan at 14 ang nawawala roon. Patuloy silang nagbe-verify ng report.

Samantala, ang Buenavista sa Marinduque ay nag-report din ng isang namatay habang sa Espe­ranza, Masbate ay apat ang nawawala.

Sinabi pa ng NDRRMC na 12 mangingisda ang nawawala sa Catbalogan, Samar pero ang lima sa kanila ay nailigtas na.

Sa Culaba, Biliran, tatlong mangingisda naman ang nawawala.

SM food to go Banner Ad

Samantala, kabuuang 83,650 katao o 20,777 pamilya ang apektado ng Bagyong Jolina sa Central Luzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Eastern Visayas at sa National Capital Region.

Na-displace ang 7,538 katao o 1,943 pamilya na dinala sa 120 evacuation center.

Nasa 2,291 katao o 509 pamilya naman ang pansamantalang naninirahan sa kaanak o kaibigan.

Kabuuang 3,843 bahay naman ang nasira –3,545 ang partially damaged at 298 ang totally damaged – sa Mimaropa, Bicol, Western Visayas at Eastern Visayas.

Tinatayang P206,112,324 naman ang danyos sa agrikultura, saad pa ng NDRRMC. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.