Abante Tonite Interactive

3 toneladang manok kinumpiska sa Ilocos

535

Tinatayang tatlong toneladang karne ng manok ang kinumpiska ng Quarantine Task Force (QTF) sa Barangay Bio Taguidin, Ilocos Sur noong Huwebes.

Ayon kay QTF provincial officer Martel Quitoriano, kaya nila kinum­piska ang karne ng mga manok ay dahil sa hindi ito dumaan sa inspeksyon kahit na mayroon itong dokumento.

Ayon sa QTF, ang mga produkto ay sakay ng isang van na minamaneho ni Albert Quezon, 35, ng Brgy. San Jose, San Jacinto, Pangasinan at kasamahan nitong si Arnold Bandarlipe, 22.

Paliwanag ng QTF Taguidin, ayon kay Quitoriano, sa pamamagitan ng provincial ordinance, kinakailangan nilang makita lahat ng sasakyan na may bitbit na freezer lalo na ang mga karne ng baboy at manok. ­(Allan Bergonia)