Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 totoy, kasabwat na 21-anyos laglag sa shabu

0 67

Tatlong menor de edad at isang 21-anyos na kasabwat nila sa pagtutulak ng droga ang nasakote sa buy-bust operation ng mga pulis sa Barangay Tumana, Marikina City, Miyerkoles ng gabi.

Sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang 21-anyos na suspek na kinilalang si Redgie De Guzman gayundin ang mga kasamahan nitong dalawang 15-anyos at isang edad 17.

Nahuli sila bandang alas-8:15 ng gabi sa Malunggay St., Barangay Tumana.

SM food to go Banner Ad

Inaresto ang mga suspek matapos ang naganap na transaksiyon sa bentahan ng iligal na droga at nakumpiska umano sa kanila ang walong gramo ng shabu na tinatayang nasa P54,500 ang halaga.

Nabawi rin ang P500 na ginamit sa buy-bust.

Kasalukuyang nakakulong si De Guzman sa detention cell ng Marikina Police Station habang dinala naman sa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang tatlong menor de edad. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.