Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 totoy nasagip sa buy-bust

0 6

Tatlong drug suspek ang nadakip habang tatlong lalaking menor de edad ang nailigtas sa buy-bust operation sa Purok 4, Barangay Bantug Norte, Cabanatuan City kamakalawa.

Sa ulat ng PDEA Nueva Ecija Provincial Office, katuwang ang mga operatiba ng Nueva Ecija Police Provincial Drug Enforcement Unit na nagsagawa ng operasyon.

Kinilala ang naarestong sina John Michael Joaquin Digno, 24, may-asawa; Francis Leo Jose dela Cruz, 19, binata at Benedict Morano dela Peña, 18, binata, pawang taga-Cabanatuan City.

Ang tatlo namang totoy na inabutan ay agarang dinala sa Local Social Welfare Development Officer para sa kaukulang counseling at debriefing.

Sa naturang operasyon ay nakumpiska umano ang may 11 sachet ng shabu na nasa 20 gramo at nagkakahalagang P136,000, bukod pa sa limang sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana na may street value na P4,800. (Jojo De Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.