Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 trabahador naglilinis ng salamin, na-trap sa gondola

0 173

Mala-pelikula na eksena ang nangyari sa tatlong manggagawa ng isang hotel sa Pasig City nang ma-trap habang naglilinis ng salamin sa labas ng mataas na gusali kahapon.

Sa report, nasa ika-11 palapag ang mga obrero nang ma-trap sila sa gondola.

Sinabi ng mga awtoridad na nag-malfunction ang makina ng gondola habang ginagamit ito ng mga trabahador.

Agad namang nagtungo ang rescue teams at gumamit ng crane para mailigtas ang mga manggagawa.

Isa-isang ibinaba ang mga kawani at inabot nang tatlong oras ang rescue.

Dahil dito ay nagkabuhol-buhol ang trapiko sa lugar.

Samantala, wala namang nasaktan sa mga manggagawa at mainam na may harness sila.

Sa ngayon, wala pa ring opisyal na pahayag ang kaukulang hotel habang isinusulat ito. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.