Abante Tonite Interactive

3 trabahador timbog sa pot session

210

Arestado ang tatlong cons­truction worker nang mahuli sa aktong bumabatak ng shabu sa bahay ng isang suspek sa Palay St., Barangay Tumana, Marikina City, Sabado ng gabi.

Kalaboso sa Marikina Police Station dahil sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na nakilalang sina Cedee De Guzman y Lagunoy, 25; Michael Angelo y Dalanon, 25; at Ma. Dolores Parsaligan y Patagoc, 44, pawang nakatira sa Marikina.

Inaresto ang tatlo bandang alas-10:30 ng gabi batay diumano sa tip na natanggap ng Marikina Police Community Precinct 4 na may nagaganap na pot session sa bahay ng isa sa mga suspek.

Nahulihan din umano ang mga suspek ng dalawang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia. (Vick Aquino)