Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 trader ng botcha tiklo

0 69

Pinag-iingat ang publiko sa pagbili ng karne sa merkado makaraang madiskubreng aktibo muli ang ilang tiwaling negosyante sa Bulacan na nagpapalusot ng double dead meat sa mga palengke.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ito’y matapos madiskubre ang mga hot meat sa sinalakay na katayan sa Sitio Ibayo Brgy. Pritil, Guiginto, Bulacan noong Biyernes. Nadakip dito ang mga negosyanteng sina Richard Merez, Nilda Plamenco at Renz Merez at nahaharap sa kasong paglabag sa RA10611 o Act of Food Safety of 2013.

Habang pinaghahanap ang may-ari ng iligal na slaughter house na si alyas ‘Jaypee’ na nakatakas nang matunugan ang pagsalakay ng awtoridad. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.