Abante Tonite Interactive

3 tsikiting gulpi-sarado ng tinorotot na mister

844

Hello po sa inyong lahat. Share ko lang ang kaawa-awang karanasan ng aking kapitbahay.

Kawawa naman ang tatlong maliliit na anak nitong kapitbahay kong lalaki na iniwan ng kanyang nagtaksil na asawa. Aba’y ang mga anak kasi ang napagbabalingan nito ng init ng ulo mula nang lumayas ‘yung magaling niyang asawa.

Madalas napapalo, napipingot at nababatukan ang mga paslit kapag naaalala raw niya ang kahayupang ginawa ng misis niya.Tapos iyon nga, iniwan sa kanya ang tatlong bata na sabay-sabay niyang pinapakain. Sa darating na pasukan nga ay problema na raw nya ang pagpapaaral sa panganay niya.

Single father ngayon ang labas niya. Baka nga raw masiraan na siya ng ulo sa nangyaring ‘to. Buti nga, nandon naman ang mga magulang niya at mga kapatid kaya kahit paano ay may karamay pa rin naman siya.

May trabaho naman siya sa cons­truction kahit paano kaya ‘di pa rin sila magugutom ng mga anak niya.

Isa pa, wala na naman siyang sanggol sa pasusuhin dahil mas mahirap ‘yon.

Hay, grabeng babae talaga ‘yun. Kung bakit hindi pa nakuntento sa mister niya at humanap pa ng ibang kandungan. Wala siyang kasiyahan at walang awa!

Jona ng Mandaluyong

***

Kung kayo ay may kakaiba, nakakagulat at nakakaawang kuwento ng inyong kapitbahay i-share rito sa Kapitbahay Mo, I-Blind Item Mo, at i-email sa pssst.blind@yahoo.com o sa abantetonite@gmail.com at ma­nalo ng sorpresang papremyo.