Abante Tonite Interactive

3 tulak dinakma sa QC

124

Tatlong tulak ng droga ang nalambat at nasa P340,000 halaga ng shabu ang nasamsam sa buy-bust operation ng pulisya sa isang mall sa EDSA, Barangay Sto. Cristo, Quezon City, Sabado ng gabi.

Kinilala ni Quezon City Police District director Police Brig. Gen. Ronnie Montejo, ang tatlong suspek na sina Mariam Magondacan, 19; Jalil Magondacan, 25; at Kair Pagul, 30.

Nasakote sila ng mga operatiba ng Drug Enforcement Unit sa pamumuno ni
Timothy Aniway Jr., sa koordinasyon ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency dakong alas-8:20 ng gabi Isang pulis ang nagpanggap na bibili sa kanila ng P47,500 halaga ng shabu at nang magkaabutan ng droga ay doon na sila dinakma ng mga nakaabang na pulis.

Bukod sa droga, nakumpiska rin sa mga suspek ang isang cellphone, isang Mitsubishi Montero Sport na may plakang NCV 6257 at nabawi rin ang P47,500 buy-bust money. (Dolly Cabreza)