Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 tulak nasawi sa buy-bust, 5 pa dinakma

0 92

Mahigit isang milyong pisong halaga ng shabu ang nakumpiska, tatlong hinihinalang tulak ng droga ang napatay at limang iba pa ang naaresto sa sunod-sunod na anti-drug operations sa magkakahiwalay na lugar sa Nueva Ecija noong Sabado.

Batay sa mga ulat na nakarating sa tanggapan ni P/Col. Jaime Santos, Nueva Ecija police director, nakilala ang mga napaslang na sina Richard Cruz Enriquez ng Barangay Caalibangbangan, Cabanatuan City; Tommy Bernardo Sagun, 48-anyos, ng Barangay San Juan, Aliaga at Eduard de Belen Paulino ng Barangay Rio Chico, Gen. Tinio, pawang sa Nueva Ecija.

Aabot sa P1,020,000 halaga ng shabu ang nakumpiska umano kay Paulino.

Samantala, si Enriquez na napaslang ng pulisya sa Purok 7, Barangay Talipapa, Cabanatuan City ay nakunan umano ng 8.06 gramo ng shabu na may halagang P55,000.

Limang tulak ang dinakip sa Muñoz Science City at sa mga bayan ng Gen. Tinio at Talavera. (Jojo De Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.