Abante Tonite Interactive

3 tulak nilambat sa 3.4M shabu

333

Tinatayang P3.4 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa tatlong tulak sa Novaliches nang kumagat ang mga ito sa buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Quezon City Police District (QCPD) Linggo ng madaling-araw.

Sa ulat kay QCPD director Brig. Gen. ­Ronnie Montejo, kinilala ang mga suspek na sina ­Karen Leal alyas ‘Michelle’, 32-anyos; John Rhens ­Timing, 20; at Jason Ymalay, 26, pawang nakatira sa Novaliches.

May kalahating kilo ng shabu ang nasamsam sa kanila na tinatayang may street value na P3.4 milyon at cellphone na ginagamit umano sa iligal na transaksyon.

Sasampahan ang mga suspek ng mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Dolly B. Cabreza)