Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 tulak tigok sa Bulacan buy-bust

0 215

Tatlong drug pusher ang napatay sa magkasunod na anti-illegal drug operation sa bayan ng San Ildefonso, Bulacan, kamakalawa ng madaling-araw.

Kinilala ng Bulacan PNP ang mga pumanaw na sina Noe Ababa alyas ‘Don Don’, isang alyas ‘Dagul’, at isang hindi nakilalang kasamahan nito na pawang namatay sa pook ng operasyon bunga ng mga tama ng bala sa kanilang katawan.

Base sa report, ala-1:20 ng madaling-araw noong Sabado nang magkasa ng buy-bust ang RDEU 3 at San Ildefonso Police sa Barangay Pinaod. Kanilang target sa operasyon sina Dagul at hindi kilalang kasama nito.

Matapos ang transaksiyon ay nakatunog ang dalawa na pulis ang katransaksiyon kaya nanlaban umano ang dalawa na naging sanhi ng kanilang pagkasawi.

Narekober mula sa mga napatay ang mga baril at bala, 11 pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P264,000, buy-bust money at isang Toyota Vios na kulay itim na may plakang NDA-7732.

Dakong ala-1:30 ng madaling-araw noon ding Sabado, muling nagkasa ng operasyon ang SDEU ng San Ildefonso Police sa Barangay Sumandig.

Matapos kumagat si Ababa sa buy-bust ay nakatunog umano ito na pulis ang katransaksiyon kaya nanlaban umano at namatay sa palitan ng putok.

Tumakas naman ang kasama ni Ababa lulan ng itim na Yamaha Mio patungong Barangay Umpucan, San Ildefonso.

Narekober sa lugar ng insidente ang isang caliber .38 revolver, 15 maliliit na pakete ng shabu at buy-bust money. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.