Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 tulak tigok sa engkuwentro

0 146

Tatlong hinihinalang drug pusher ang napatay sa pakikipag-engkuwentro sa mga tauhan ng pulisya sa buy-bust operation noong Martes Santo ng gabi sa Brgy. La Torre, Talavera, Nueva Ecija.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Mayor Nerivi Santos Martinez, nakilala ang mga napaslang na sina Danilo Lim Botones; Rolando Maniquiz at si Leo Maniquiz Angeles, pawang residente ng General Tinio, Nueva Ecija.

Nabatid na dakong alas-11:05 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust ang mga elemento ng Talavera Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pamumuno ni PLt. Col. Heryl Bruno laban sa mga salarin.

Nakatunog umano ang mga pusher na pulis ang mga katransaksiyon na humantong sa engkuwentro at napatay ang mga ito.

Nakarekober ang SOCO team ng Nueva Ecija Police Crime Laboratory sa mga napaslang ng isang caliber .45 pistol; 2 caliber .38 revolver; isang sachet ng shabu at dalawang piraso ng P500 buy-bust money. (Jojo de Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.