Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 tulak tiklo sa sementeryo

0 297

Arestado ang tatlong katao sa buy bust operation ng mga operatiba sa loob mismo ng pampublikong libingan sa Navotas City, Linggo ng gabi.

Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang kinakaharap na asunto nina Ramil Guinabato, alyas ‘Ramil Mata’, 40; Lito Del Pilar, 43; at Cedrick Macdon, alyas ‘Bukno’, 26, mangingisda, mga naninirahan sa Bagong Silang, Brgy. San Jose ng naturang lungsod.

Sa loob ng public cemetery sa Governor Street, Brgy. San Jose, Navotas City kinasa ang operasyon sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). “Hindi kasi disimulado ang lugar kaya itong mga suspek sa loob ng sementeryo kadalasan ginagawa ang transaksiyon at doon na rin umiskor yung asset namin,” ani P/ Lt. Genere Sanchez, ng Navotas Police.

Nakumpiska sa mga suspek ang 1.5 gramo ng shabu na may market value na P10,200. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.