Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 tulak timbog sa P81M Valenzuela shabu buy-bust

0 75

Kulungan ang bagsak ng tatlong big time tulak diumano matapos masakote sa buy-bust operation sa Maysan Road, Valenzuela City nitong Linggo ng umaga.

Kinilala ni Lt. Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit, ang mga suspek na sina Joseph Villamor Malasaga, 50, ng Caloocan City; Algie Mingote Nabenia, 43, driver, ng Angeles City, Pampanga; at Nolan Sarlego Julia, 38, construction worker, taga-Muntinlupa City.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Inaresto ang tatlong suspek bandang 11:30 kahapon ng umaga sa panulukan ng Maysan Road at Cecilio J. Santos Street matapos kumagat sa isang pulis na nagkunyaring bibili sa kanila ng droga.

Nasamsam sa kanila ang nasa 12 kilogram ng shabu na tinatayang P81 milyon ang kabuuang halaga.

Kalaboso na ang mga suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.