Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 UK variant carrier nasa Davao

0 65

May tatlong residente sa Davao Region ang iniulat na nagpositibo sa UK COVID-19 variant, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa report ng DOH Region 11 at ng local government units (LGUs), dalawa sa mga pasyente ay mula sa Davao de Oro.

Ang nagpositibo sa virus ay 33-anyos na lalaki mula sa Compostela at 54-anyos na babae mula naman sa New Bataan.

Nagsasagawa na ng contact tracing ang LGUs sa mga nakasalamuha ng dalawang nagpositibo upang maiwasang magkahawaan sa mga nabanggit na lugar. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.