Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 UP expert iimbitahan sa IATF

0 247

Padadalhan ng imbitasyon ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang tatlong eksperto ng University of the Philippines para makasama sa mga kinokonsulta ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa paglaban sa COVID-19 pandemic.

Ito ay matapos ihayag nina Dr. Joshua San Pedro, Professor Edelina dela Paz at dating UP Chancellor Michael Tan na hindi umano epektibong ang mga ginagawang hakbang ng gobyerno para tugunan ang problema sa pandemya.

“Tinatanggap natin lahat ng reaksiyon lalo na diyan sa UP. Ang IATF ay malaki ang tiwala sa UP lalo na sa kanilang forecast. So siguro iimbitahin ko na lang `yong mga nagbigay ng grado para tumulong sa IATF ng sa ganon ay hindi nila masabi na failure tayo,” ani Roque. (Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.