Abante Tonite Interactive

3 walang face mask binitbit sa presinto

438

Inaresto ng mga pulis ang tatlong katao, kabilang ang isang babaeng driver ng Food Panda, kamakalawa ng gabi sa Calderon St., Plaza Hugo, Sta. Ana, Maynila dahil walang mga suot na face mask.

Base sa ulat, kinilala ang tatlong dinakip na sina Julius Bunao y Cartisiano, 21; Lolita David y Gagalac, 52; at Channisee Rosales y Acuzena, 32, Food Panda driver.

Sasampahan sila ng kasong resistance and disobedience in person of authority kaugnay sa ipinatutupad na state of public health emergency.

Naganap umano ang pag-aresto sa tatlo dakong alas-6:30 ng gabi sa nabanggit na lugar.

Sa imbestigasyon, sinita nina Corporal Jayson Rene Tuscano ang tatlo na sakay ng motorsiklo at walang suot na face mask.

Pinababa umano ang tatlo pero sa halip na sumunod sa mga pulis ay nagmatigas na huwag bumaba.

Dahil dito, dinala sila sa presinto at nalaman na hindi naman sila exempted sa enhanced community quarantine.

Pinauwi ri ang tatlo matapos na i-booking at isasampa na lamang sa Manila Prosecutor’s Office ang kanilang kaso.(Juliet de Loza-Cudia)

Tonite – Wendys Inhouse Ad