Abante Tonite Interactive

3 warehouse sa Valenzuela pinadlak ng BIR

141

Ipinasara pansamantala ng Bureau of Internal Revenue ang tatlong warehouse sa Valenzuela City dahil sa hindi nito pagsunod sa mga registration requirement na naaayon sa Tax Code o sa National Internal Revenue Code of 1997.

Ayon sa Department of Finance, ipinasara ng BIR ang warehouse ng Gett Enterprises, Polymountain Industrial Corp., at Yaflex Hardware Inc. matapos mag-tax mapping ang BIR Revenue District Office No. 24 sa lungsod kamakailan.

Umikot ang mga tauhan ng BIR para inspeksyunin ang mga negosyo sa lugar at tignan ang kanilang mga registration, invoicing, bookkeeping at iba pa.

Ayon sa DOF, ang closure order ay pinirmahan ni BIR Deputy Commissioner Arnel SD Guballa dahil hindi sumusunod ang mga ito sa registration requirement. (Eileen Mencias)