Abante Tonite
Mabilis sa Balita

30 aso nasa death row sa Bulacan pound

0 166

Mga Minamahal kong mga Dog Lovers:

May good news and bad news po ako!

Bad news muna. As of press time, may humigit-kumulang na tatlumpung aso na i-me-mercy killing sa SJDM Pound, Bulacan kung hindi sila ma-a-adopt. Upang tulungan sila, naglunsad ng kampanya ang Pawssion Project, isang dog rescue organization, para makahanap ng mga pamilya (dito sa Metro Manila at kalapit na lugar,) na may kakayahang mag-alaga ng aso. Kung interesado po kayo, nasa dulo ng kolumn na ito ang impormasyon.

Bago po kayo magalit sa pound, kailangan niyo pong malaman na nasa batas natin ito – kapag palaboy-laboy ang aso sa daan, may responsibilidad ang city pound na hulihin ito. Paraan ito para maiwasan ang dog-bites, aksidente sa daan, rabies at mga sakit na nakakahawa sa ibang aso tulad ng Distemper at Parvo.

Unfortunately, kung walang taong pumunta sa pound para i-claim o i-adopt ang mga asong nahuhuli nila, nagiging candidate for mercy killing ang mga asong ito. Nakakalungkot po talaga!

Pero may good news naman po!

Ayon sa head ng Pawssion Project na si Malou Perez, kadalasan dine-delay ng SJDM Pound ang mercy killing dahil ayaw din nilang gawin iyon sa mga kawawang aso. Hangga’t may pagkain at supplies ang pound, binibigyan daw nila ng pagkakataon na ma-rehome ang mga aso. Kaya kapag nag-donate naman kayo ng dogfood at supplies, tinutulungan ninyong iligtas ang mga asong ito sa death-row.

Nagpapasalamat ako sa SJDM Pound dahil may kalinga sila sa mga street dogs. May mga pound kasi na parang walang pakialam sa kapakanan ng mga aso. Pero ang SJDM Pound ay kakaiba dahil pino-promote nila ang adoption at mayroon pa silang Veterinary Hospital sa San Jose, Del Monte, kung saan may libreng serbisyo para sa mga pets ng Bulacan residents. Sana ganito rin ang mga pounds sa Metro Manila!

Sa simula, sabi ni Malou, may humigit kumulang 100 na aso sa death-row. Pero 49 na ang nakuha ng Pawssion Project habang 11 naman ay na-adopt na. Sa ngayon may 30 plus pa na aso na kailangan ng pamilya!

Kung interesado po kayo, maari kayong dumerecho sa SJDM Pound sa SJDM Productivity Center, Sapang Palay. May P500 fee pero may libreng kapon at anti-rabies vaccination ito. Maari din po mag-donate ng dogfood at supplies kung wala po kayong abilidad na mag-adopt.

Sana po mahanap ninyo sa inyong puso ang awa para tumulong sa mga kawawang doggies na ito!

Pawssionately Yours,

Joyce

Leave A Reply

Your email address will not be published.