Abante Tonite
Mabilis sa Balita

30 bahay naabo sa Cavite

0 383

TINATAYANG 30 kabahayan ang nilamon ng apoy sa halos dalawang oras na sunog sa isang informal settler sa Bacoor City, Cavite.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) alas-7:55 kamakalawa ng gabi nang magsimula ang sunog sa isang barong-barong sa squatter’s area sa Barracks Phase 4, Soldiers Hills 4, Molino 6, Bacoor City.

Dahil karamihan sa bahay ay gawa sa light materials, mabilis na kumalat ang apoy at nilamon ang tinatayang 30 kabahayan. Umabot ito sa second alarm at idineklarang fire out alas-9:40 ng gabi.

Wala namang naiulat na nasaktan o nasugatan na naganap na sunog.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng sunog at kung magkano ang pinsala. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.