Abante Tonite
Mabilis sa Balita

30 bahay nasunog, 2 nadale

0 91

Sugatan ang dalawang lalaki kabilang ang isang fire volunteer habang 30 bahay ang naabo matapos sumiklab ang isang sunog kahapon ng tanghali sa San Andres Bukid, Paco, Maynila.

Ayon kay DInsp. Ernesto Manawan, ng Bureau of Fire Protection (BFP) nagsimula ang sunog alas-12:31 ng tanghali na umabot sa ikatlong alarma at idineklarang fire out ala-1:45 ng hapon.

Nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Maritess Buco. Mabilis na kumalat ang apoy dahil pawang gawa sa light materials ang mga bahay.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nalaman na nalapnos ang kamay ng fire volunteer na di pinangalanan habang napaso at nagkasugat sa leeg si Villarino Ocares matapos isalba ang mga importanteng papeles.

Iniimbestigahan pa ang sanhi ng sunog. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.