Abante Tonite Interactive

30 barangay official nalason sa hipon

Dumalo sa DILG seminar

633

Pinaniniwalaang na-food poison ang may 30 opisyal ng barangay sa bayan ng Claveria habang nasa seminar ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ginanap sa isang resort sa Initao, Misamis Oriental.

Isinugod sa ospital ang mga biktima makaraang makaramdam ng pananakit ng tiyan, pagtatae at pagsusuka sa ikalawang araw ng kanilang seminar noong Biyernes.

Malaki ang hinala ng mga barangay kagawad na ang kinain nilang pritong hipon na inihanda ng resort ang dahilan ng pana­nakit ng kanilang mga tiyan.

Bagama’t sinabi na hindi na sariwa ang hipon, binigyan-diin ng management ng resort na sariwa at malinis ang kanilang inihandang pagkain.

Hindi rin sila naniniwala na food poisoning ito dahil hindi lahat ng mga lumahok ay nagkasakit.

Mahigit sa dalawan­daan na barangay official ang lumahok sa seminar habang 30 lang ang na-ospital.

Kumuha na ng food sample ang sanitary inspector ng Initao upang masuri ang mga pagkain na sinerve sa mga bisita ng resort. Ngayong Linggo, inaasahang malalaman ang resulta ng pagsusuri.